WASHINGTON (AFP) – Idinepensa ni Ben Affleck ang mga Muslim sa mundo sa isang TV talk show na hosted ng kapwa niya liberal pero may hindi magandang opinyon sa pananampalatayang Islam.
Kilala sa kanyang mga progresibong pananaw, ipino-promote ni Ben ang kanyang bagong pelikulang Gone Girl sa Real Time With Bill Maher sa HBO nang dumako ang usapan sa Islam.
“Islam at the moment is the mother lode of bad ideas,” sabi ng isa pang guest na si Sam Harris, philosopher na nagsabing 20 porsiyento ng mga Muslim sa mundo ay jihadist kundi man Islamists, ayon sa “a bunch of poll results.”
Kinontra ng Oscar-winning Hollywood A-lister ang nasabing paglalarawan sa ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo.
“So you’re saying that Islamophobia is not a real thing,” sabi ni Ben, na tinalakay ang 1979-1981 Iran hostage crisis sa kanyang political-thriller na Argo noong 2012.
“But why are you so hostile about this?” sabad ni Bill, isang left-wing comedian at atheist na sumusog sa pananaw ni Sam sa Islam.
“It’s gross, it’s racist,” sabi ni Ben na halatang nairita, at ikinumpara ito sa pagtawag sa isang tao na “a shifty Jew.”
“How about the more than a billion people, who aren’t fanatical, who don’t punish women, who just want to go to school, have some sandwiches, pray five times a day, and don’t do any of the things that you’re saying all Muslims do.”
Sinabi pa ni Ben na “we’ve killed more Muslims than they’ve killed us, by an awful lot,” at iginiit na ang grupong Islamic State, “couldn’t fill a double-A ballpark in Charleston, West Virginia,” ang bayan ng misis niya at kapwa artista na si Jennifer Garner.
Pero hindi natinag si Bill. Sinabi niyang ang Islam ay “the only religion that acts like the Mafia, that will f_cking kill you if you say the wrong thing, draw the wrong picture or write the wrong book.”
Pero patuloy din na ipinagtanggol ni Ben ang kanyang punto.