Oktubre 7, 1919 nang maitatag ang pinakamatandang air carrier sa mundo, ang KLM (Royal Dutch Airlines). Layunin nitong pagsilbihan ang Netherlands at ang mga kolonya nito.

Sa unang bahagi ng nasabing taon ay iginawad ni Queen Wilhelmina ng Netherland sa nagtatag ng KLM na si Albert Plesman ang kanyang royal blessing sa pagkakaroon ng isang airline, matapos ang mahusay na exhibition ng huli.

Gayunman, Mayo 17, 1920 pa naisagawa ang unang biyahe ng KLM, sakay ang dalawang mamamahayag na British sa paglibot ng eroplano sa Croydon Airport sa London hanggang sa Amsterdam sa Netherlands. Ang eroplano, na minaniobra ni Jerry Shaw, ay may call sign na G-EALU. Taong 1921 nang itinakda ng KLM ang mga biyahe nito.

Noong 2004, naging pagaari na ng Air France ang KLM. Ang pinagsanib na Air France-KLM fleet, na ngayon ay may 583 eroplano, ay nakapagsakay ng 77.3 milyong pasahero at kumita ng 25.5 billion euros noong 2013.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte