Taylor Swift

NAKILALA ang singer-songwriter na si Taylor Swift sa kanyang mala talambuhay na mga kanta, tulad ng Forever and Always, Fearless, You Belong with Me at marami pang iba.

Ang mga kantang ito ay konektado sa kanyang mga nakarelasyon at mga lalaking nagdaan sa kanyang buhay.

Ngunit kamakailan lamang ay kinumpirma ni Taylor na ayaw na muna niyang makipag-date o lumabas.

National

Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad

“Dating or finding someone is the last thing on my mind, because I can’t picture how it could work with the way my life is,” sabi ni Taylor.

“I don’t think any guy really… They think that they would want to get to know me, and maybe date me, but I don’t think they want what comes with it,” dagdag ng singer.

Samantala, ang 1989 ang pinakabagong album ni Taylor, na naiiba sa lahat ng kanyang nagawa na.

“This time around I’ve chosen the brave and bold way of going about things,” sabi ni Swift, “Because with this album I’ve completely changed the sound of everything I’ve done until now. So it’s interesting to not be afraid of that,” pahabol niya. - ET/Yahoo Celebrity