Libreng mapapanood ng ating kababayan ang mga pelikula mula Spain at Latin America sa Oktubre 9 hanggang 19, sa Greenbelt, Makati.

Ayon kay Jose Maria Fons Guardiola, head ng cultural department ng Instituto Cervantes de Manila, isa sa 20 pelikula na tampok sa Pelicula-Pelikula film festival ang Vivir es fácil con los ojos cerrados o Living is Easy with Eyes Closed ni David Trueba na tumanggap ng anim na parangal sa 2013 Goya Awards at kalahok sa Oscars Awards.

Mapapanood din ang mga pelikula sa Baguio, Iloilo, Zamboanga at Davao, sa pamamagitan ng Instituto Cervantes, Embassy of Spain-AECID, at Film Development Council of the Philippines (FDCP).
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya