KALAT na sa social media ang movie poster layout ng Regal Entertainment next horror offering na Dilim, starring Kylie Padilla and Rayver Cruz.

JOROSS GamboaKabilang din sa cast sina Joross Gamboa, Ella Cruz, Nathalie Hart, at marami pang iba, at mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Umalma ang mga loyalistang tagahanga ni Joross sa movie poster dahil anila’y inapi sa billing ang kanilang idolo.

Ayon sa naghinanakit na diehard fans ng aktor, mas inuna pa raw ang pangalan nina Ella at Nathalie kaysa kay Joross sa poster ng Regal movie. Umaapela ang fans sa producer na bigyan naman ng konting respeto at pagpapahalaga ang kanilang idolo.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

Kung sabagay, may point ang fans. Mas malaki nga naman ang pangalan ni Joross kaysa kina Ella at Nathalie. Isa si Joross sa mga paborito ng Star Cinema at itinuturing ding ‘lucky charm’ ng film arm ng ABS-CBN because of his string of box-office hit projects. Bukod pa sa katotohanang may mga acting award na rin ang former Star Circle Quest aspirant.

Aware naman kaya ang manager ni Joross na si Noel Ferrer sa movie poster layout na kinukuwestyon ng fans? Sa sobrang bait ni Kaibigang Noel, nakatitiyak kaming magkikibit-balikat na lang siya sa isyu.