Dinumog ng mga reporter si WBC at WBA welterweight at junior middleweight champion Floyd Mayweather Jr. sa kanyang maikling pagbisita sa Moscow, Russia kung saan ay ipinahiwatig niya ang posibilidad na harapin sa ring si eight-division world champion Manny Pacquiao.

“Let him beat (Chris) Algieri first, and then we’ll talk,” sinabi ni Mayweather kay boxing writer Yuri Tarantin ng BoxingScene.com.

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight belt kontra kay Algieri na siya namang WBO light welterweight title holder sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

Pinuri ni Mayweather ang Russian professional at amateur boxers na nagsidalo sa isang local gym sa Moscow na pinakitaan niya ng ilang estilo kaya nananatili ang kanyang perpektong rekord sa 47 panalo, 26 sa pamamagitan ng knockouts.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“I’ve only spent a few hours in Moscow, but I’ve come to understand that Russians are quiet, lovely and kind people. I am thankful for such a warm welcome. The support the fans makes me train harder,” ani Mayweather.

Hinggil sa pagwawagi laban kay Argentinian Marcos Maidana, simple lang ang sinabi ni Mayweather: “My job is to go in the ring and win. I could have fought better, but the important thing is that I got the victory.”