Oktubre 1, 1969 unang lumipad ang Anglo-French supersonic airliner na Concorde 001. Tumagal lang ng 27 minuto ang biyahe, naabot ang 36,000 talampakan (10.8 km) at 75 milya (120 km) mula sa Toulouse, France. Nakuha nito ang Mach na 1.05 para sa siyam na minuto, mula 11:29 a.m. hanggang 11:38 a.m. local time.

“Finally the big bird flies, and I can say now that it flies pretty well,” sabi ng pilotong si Andre Tucat sa BBC pagbalik niya sa airport. Dalawang naunang test flight ang kinailangang ipatigil dahil sa masamang panahon.

Ang unang Concorde commercial flights ay bumiyahe noong Enero 21, 1976, nang lumipad ang British Airways mula London patungong Bahrain, at ang Air France ay lumipad mula Paris hanggang Rio de Janeiro, Brazil. Ang eroplano ay karaniwang lumilipad sa bilis na 2,080 kilometro kada oras. Oktubre 23, 2003 huling bumiyahe ang Concorde.
Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11