Namatay ang isang call center employee makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang kapitbahay nitong lasing na kanyang sinaway sa pambabastos sa kanyang mga bisita sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center si Jake Harold Antonio, 28, ng No. 1646 Salmon Street, Barangay 8 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Naaresto naman ang suspek na si William Fernandez, 39, habang pinaghahanap pa ang kaibigan nitong si Jun-Jun Boral alyas Pipoy.

Base sa report, naganap ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw ilang metro ang layo sa bahay ng biktima nang bumili ng pagkain si Antonio kasama ang dalawang babaeng bisita.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list