Sinalakay ng mga operatiba ng Valenzuela City Police ang isang pinaghihinalaang drug den sa Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City kung saan naaresto ang limang pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng shabu noong Biyernes ng gabi.

Nakakulong ngayon sina Randy Ordejon, Elmer Atoli, Joven Marte, Edwin Catuday at Virgilio de los Reyes.

Sinabi ni Supt. Rhoderick Armamento, natiyempuhan ng mga police operative habang nagpa-pot session ang mga suspek sa loob ng drug den.

Nabawi ng raiding team mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia at sari-saring bala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsagawa muna ng surveillance operation ang mga tauhan ni Chief Insp. Allan Ruba at Insp. Wilex Mesina sa bahay ng isa sa mga suspek kung saan rin talamak umano ang bentehan ng shabu na matagal nang inirereklamo ng mga residente. - Ed Mahilum