Isang buwan matapos maglunsad ang Amerika ng airstrikes laban sa puwersa ng Islamic State sa Iraq, nagbukas ang Amerika ng bagong digmaan sa Syria noong Martes. Ang Islamic State na kilala rin bilang Islamic State in Iraq and Syria (ISIS), ay malawak ang sinakop sa hilaga-kanluraning Iraq, pinuwersa ang mga Kristiyano at iba pang religious minorities na magpalit ng relihiyon, at ang pamumugot sa dalawang peryodistang Amerikano at isang British aid workder, at ngayon nagbabanta sa isang French hostate na kaparehong kapalaran.

Isang direktant pagbabanta sa Pilipinas ang nakahimlay sa naiulat na ISIS recruitement ng mga mandirigma mula sa Mindanao. Ayon sa isang US intelligence report, may 15,000 foreign fighter mula 80 bansa ang umanib sa puwersang ISIS sa Iraq at Syria, na naglalayong magtatag ng isang Muslim caliphate na hindi kumikilala sa mga naitatag na estado tulad ng Saudi Arabia at ng United Arab Emirates.

May 100 tagasuporta ng ISIS ang nangagkatipon noong Biyernes sa Marawi city at nanumpa sa Muslim caliphate na itinatag ni Abu Bakr al-Baghdadi, ang self-proclaimed

caliph ng ISIS. Ayon naman sa lokal na militar at opisyal ng pulisya, ang ideolohiyang extremist ng ISIS ay waring umaani ng suporta mula sa ilang bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagbabatna ang mga militanteng ISIS sa Mindanao sa peace efforts ng ating gobyerno, na pinaigting ng kasunduan kamakailan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magtatag ng Bangsamoro Political Entity. Sa pagkakaroon nito ng political at economic powers sa ilalim ng Bangsamoro agreement, ang bagong political entity ay umaasang mapipigilan ang mga extremist, kabilang ang mga militanteng ISIS na nagre-recruit ngayon sa Mindanao.

Ang panganib ay nakahimlay sa taktika ng pananakot na ang mga kalahok na Pilipino sa ISIS invasion sa Middle East ay maaaring ibalik sa Mindanao, pati na ang puwersahang pagpapalit ng relihiyon, pagpatay sa mga hindi kapanalig, at pamumugot sa mga peryodista at aid worker.

Ang Pilipinas ay maaaring masyadong malayo mula sa Syra at Iraq upang sumabak sa anumang combat coalition na binubuo ng Amerika. Nguinit kailangan nating pagtuunan ng pansin ang sarili nating hanay sa Mindanao, ang bantayan ang mga jihadist na kumikilos doon, at sa tulong ng Muslim clerics at Muslim provincial governors, resolbahin ang sarili nating mga problema upang ating makamit ang “Lupang Pangako” na Mindanao.