Daniel Matsunaga

ITINANGGI ni Daniel Matsunaga ang isyung kumakalat na nililigawan niya si Kris Aquino. Ayon sa aktor, hindi dapat lagyan ng malisya ang pagiging close nila ng Queen of All Media.

Aniya, malapit na kaibigan niya ang presidential sister na maraming beses na niyang nakasama sa programa nitong KrisTV.

“Kris is a very, very good friend of mine. We always work together sa KrisTV. ‘Tapos sobrang bait niya talaga. Sa totoo lang, Kris is the best for me. Talagang she helped me a lot since the beginning sa taping,” sey pa ng Brazilian-Japanese model/actor.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Hindi itinanggi ni Daniel na sobrang blessed siDaniel-Matsunaga-copyya dahil may isang Kris Aquino na tumutulong sa kanya. “Sobrang thankful ako sa kanya. Dahil sa kanya, I am very happy,” banggit pa niya.

Lahad pa ni Daniel, trabaho ang tinutukan niya sa ngayon dahil kailangan niyang mag-ipon nang mag-ipon.

“Wala akong girlfriend sa ngayon, trabaho muna. I won’t say that I want somebody from showbiz or non-showbiz but I put God in everything and in God’s time there will be the right one,“ sey pa ng aktor na abalang-abala sa dalawang pelikulang ginagawa niya, ang Past Tense with Kim Chiu and Xian Lim at ang Shake Rattle and Roll.