TOKYO (AP) – Inihayag ng isang opisyal ng pulisya sa Japan na mahigit 30 katao na pinaniniwalaang wala nang buhay ang natagpuan ng mga rescuer malapit sa isang sumasabog na bulkan sa Nagano.

Inilarawan ang mga biktima na hindi humihinga at wala nang pintig ang puso, na tradisyunal na paglalarawan ng mga awtoridad sa Japan sa isang katawan hanggang hindi pa nakukumpirma ng doktor na patay na nga ito.

Hindi agad na isinapubliko ang lugar na kinatagpuan sa mga katawan o ang pagkakakilanlan ng mga ito, ayon sa isang opisyal ng Nagano Prefecture police.

Sumabog ang Mount Ontake sa gitnang Japan bago magtanghali noong Sabado, at mabilis at kusa namang lumikas ang mga residente.
National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan