MARION-copy

MASAYA ang pocket interview ng entertainment writers kay Marion Aunor, ang winner ng New Female Recording Artist of the Year sa 6th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nakakatuwa kasing makita na magkakasama ang tatlong Aunor generations dahil kasama ni Marion na dumating sa Annabel’s restaurant ang mommy niyang si Maribel “Lala” Aunor (ng Apat Na Sikat fame, remember?) at ang grandmother niyang si Mamay Belen, ang nagpakilala sa superstar na si Nora Aunor in the late 60’s sa showbusiness.

Musically-inclined family talaga sila. Katunayan, kahit na Communications Management graduate sa Ateneo de Manila si Marion ay mas binibigyan niya ngayon ng panahon ang pagiging singer-songwriter-recording artist.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Marion is being managed by Vehnee Saturno, at kinuha rin siya ng Star Records at Star Magic ng ABS-CBN. Ang only sister niyang si Ashley ay marunong tumugtog ng guitar at nagku-compose din ng songs. Si Mamay Belen naman ay pumayag magparinig ng Christian songs na siya ang nag-compose, she accompanied herself sa pagtugtog ng gitara. Tumutugtog din siya ng violin. Kaya ang biro namin kay Lala, kailan naman siya magkucompose ng songs, abala raw muna siya sa pagdadala pa rin ng talents sa USA at Canada.

Unti-unting nakakalikha ng sariling pangalan sa entertainment industry si Marion simula nang manalo siya ng third place sa 2013 Himig Handog. This year, mag-i-interpret uli siya ng song naman ni Jungee Marcelo na Pumapag-ibig. Bukas na ang finals night ng Himig Handog 2014 sa Araneta Coliseum.

Busy rin si Marion sa pagku-compose ng songs para sa mga nanay na gusto niyang mai-release sa 2015 Mother’s Day celebration.

“Bata pa po ako hilig ko na talagang kumanta, marunong din akong tumugtog ng musical instruments tulad ng piano, guitar, bass, ukulele at drums. Pero si Mama, gusto niya, unahin ko ang studies ko para pagkatapos ay ako na mamamahala sa family business,” kuwento ni Marion. “Kaya kahit ako hindi ko po inisip na seseryosohin ko rin ang music. Noong high school ako sa La Salle ( Santiago Zobel School sa Ayala, Alabang), sumali ako sa isang band, katuwaan lang with my friends. Sumali ako sa graduation songwriting contest, nanalo ‘yong song at iyon ang kinanta namin during our graduation day.

“Iyon ang first legitimate song na nagawa ko. Pero nang magcollege ako, hindi pa rin ako sure kung papasukin ko pa rin ang music. Pero at the back of my mind, naroon pa rin ang hilig ko sa music, kaya sabi ni Mama, tapusin ko na muna ang college ko at saka na ako mag-shift kung gusto ko pa rin sa music. Tinapos ko muna ang college course ko and the rest is history, heto na po ako ngayon, pursuing my dream.”

Ini-encourage sa ABS-CBN si Marion na pasukin din ang acting field. Pero one at a time daw muna, kaya mas focused siya ngayon sa singing career niya.

Hindi rin basta-basta sasalang sa major concert si Marion, mas gusto ng mommy niya ang series of shows kaya may tour si Marion sa ibang bansa kasama si Mitoy Yonting ng The VoicePh at si Darren Espanto ng The Voice Kids sa November 15 sa Oakland, California; sa November 21 sa Vancouver, Canada; at sa November 23 sa Calgary, Canada.

Walang lovelife si Marion na napaamin ng reporters na may crush noon kay Matteo Guidicelli, bago pa man ito naging boyfriend ni Sarah Geronimo. Ayaw na niya ngayon dahil fan din siya ni Sarah, na ayon sa kanya ay bagay sa aktor.

Bago natapos ang kuwentuhan, kahit paos ang boses ay pumayag si Marion na kantahin ang Pumapagibig. Nag-duet din sila nang dumating si Michael Pangilinan na isa rin sa finalists sa 2014 Himig Handog at ii-interpret naman ang Pare Mahal Mo Raw Ako ni Jovinor Tan.