Ni ALYSSA JANE AVELLANOSA, trainee

HINDI tatapusin ng Bonakid sa isang Anak TV Seal Award ang paglilinang ng talento ng bawat batang Pilipino sa gabay ng kanilang mga ina dahil tuloy na tuloy na ang Bonakid Pre-School Ready Set Laban Season 2.

Kamakailan ay ni-renew ng Bonakid ang partnership nito sa GMA Network para sa panibagong season ng Bonakid Pre-School kaya naman inaanyayahan ng Bonakid ang lahat ng ina at ang kanilang mga “Batang May Laban” na makiisa at mag-audition para muling ipakita ang kakayahan ng tunay na batang walang laban na inuurungan.

Tinitiyak ng Bonakid na mas malaki at mas kapana-panabik ang kanilang pagbabalik dahil bukod sa mga audition na magaganap sa Cebu, Davao at Manila, maaari na ring mag-audition online sa pamamagitan ng www.gmanetwork.com/promos/readysetlaban. May isang lucky home partner din na puwedeng manalo ng P20,000 kada linggo sa Home Partner Promo. Kinakailangan lang nilang manood at maglog-in sa parehong website at magsubmit ng kanilang entries.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Literal na mas pinalaki ang game show dahil dinoble ang laki ng kanilang game arena. Hango ang activities ng game show sa mga larong Pinoy na kinalakhan ng magulang ng mga bata.

“We want to encourage our kids to experience these Pinoy games just like their moms did. With these games, we want to demonstrate the strength, energy and resilience of these kids and bring out the ‘Batang May Laban’ in them. This is part of Bonakid Pre-School’s commitment to help moms empower their kids so that they will have the strength and confidence to conquer any challenge,” sabi ni Claudine Serrano, product manager ng Bonakid Pre-School.

At para tunay na maging mas masigla ang game show, si Drew Arellano ang natokahan para mag-host ng palaro. Aniya, achievement daw ito para sa kanya dahil matagal na niyang gustong maghost ng isang show na bata ang bibida dahil ito daw ang maglalabas ng fun and light personality niya.

Simula October 5, mapapanood na sa GMA-7 tuwing Linggo, 10:45 AM, ang Bonakid Pre-School Ready Set Laban pagkatapos ng iBilib.