Hinimok ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Director General Alan Purisima, chief ng Philippine National Police (PNP), na magbitiw sa tungkulin, hindi bilang pag-amin sa kasalanan kundi dahil sa delicadeza, matapos akusahan ang PNP Chief ng pagkabigong iulat ang ilan sa kanyang mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Inihain ng Coalition of Filipino Consumers sa Office of the Ombudsman ang reklamo.

Sa kasamaang-palad, kilala nang hindi agad isinusuko ng Pilipino ang kahit na ano dahil lamang sa delicadeza. Hindi tayo katulad ng South Korean prime minister na si Chung Hong Won na agad nagpahayag ng pagbibitiw matapos mamatay ang 188 pasahero ng isang ferryboat na lumubog noong Abril. At hindi rin natin katulad ang ng Japanese samurai na matapos ang matinding kabiguan, ay nagpapatiwakal.

Sa kaso ng South Korea ferry tragedy, nagbitiw si Chung matapos sigawat at batuhin siya ng water bottles ng mga kamag-anak ng mga biktima ng trahendya nang bumisitahin niya ang mga ito ilang oras pagkatapos ng insidente. Mayroon din tayong ganoong pagpapakita ng galit kamakailan sa University of the Philippines (UP). Isang miyembro ng Gabinete na nagpatupad ng isang programa ng malawakang paglulustay ng pondo ng bayan na kalaunang idineklarang unconstitutional ng Supreme Court ang pinagbabato ng nilukot na mga papel at barya. Hindi siya nagbitiw, siyempre; at tinawag niyang mga barumbado.

Hindi, ang mga opisyal na Pilipino ay hindi magre-resign sa kahit na anong dahilan. Sasabihin nilang maglilingkod sila sa kagustuan ng Pangulo at maghihintay sila sa kanya na palitan sila. Simpleng hindi natin naturaleza na magparaya, lalo na kung maganda ang posisyon.

Tone-toneladang basura mula sa Traslacion, patuloy nililinis ng DPS

Kaya magpapatuloy tayong magkakaroon ng mga kaso sa hukuman na tatagal ng maraming taon habang nakikipaglaban ang mga akusadong opisyal hanggang wakas. Waring kung gaano kalaki ang kinasasangkutang halaga, ganoon din katagal lilitisin ang kaso. At patuloy din nating makikita mga opisyal ding iyon sa kanilang matataas na posisyon sa kabila ng kanilang kakulangan ng kuwalipikasyon – sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan, sa pagkintal ng disiplina sa mga pulis, sa pagsugpo ng smuggling ng lahat ng uri ng produkto, sa paglutas ng nakapaparalisang trapiko, sa kabiguang makita ang solusyon nang maiwasan ang mga brownout.

Kailangang purihin si Speaker Belmonte sa pagpapaalala sa atin na mayroon pang delicadeza. Ngunit tila wala yatang bibitiw sa tungkulin sa darating na mga araw dahil sa madalang na kalakal na ito.