NEW DELHI (AP)— Nagtagumpay ang India sa kanyang unang interplanetary mission, naglagay ng satellite sa orbit sa palibot ng Mars noong Miyerkules at iniluklok ang bansa sa elite club ng deep-space explorers.

Naghiyawan ang mga scientist sa pagkumpleto ng makina ng orbiter sa 24 minutong burn time para mailagay ang spacecraft sa nakatakdang lugar nito sa red planet.

“We have gone beyond the boundaries of human enterprise and innovation,” sabi ni Prime Minister Narendra Modi sa live broadcast mula sa Indian Space and Research Organisation sa command center sa southern tech hub ng Bangalore. Inilarawan ng mga scientist ang final stages ng Mars Orbiter Mission (MOM) na flawless.
National

Giit ni Romualdez: Trahedya ng Bagyong Yolanda ‘di na raw dapat maulit