KAHALAGAHAN ng pagtanggap sa sarili ang huling aral na ibabahagi nina Nash Aguas, Alexa Ilacad at ng boy group na Gimme 5 sa viewers sa huling episode ng Wansapanataym Presents Perfecto ngayong Linggo.

Ngayong unti-unti na niyang nakukuha ang lahat ng kanyang kagustuhan, malalagay sa panganib si Perry (Nash) dahil sa masamang balak ng mahiwagang nilalang na si Bounce na kunin ang kanyang katauhan.

Ano ang gagawin nina Perry at Kylie (Alexa) para pigilan ang mga plano ni Bounce? Sa huli, matututunan na ba ni Perry at ng kanyang ina na hindi nila kinakailangang maging perpekto para maging lubos na masaya?

Bahagi rin ng Perfecto sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, Melai Cantiveros, Alexa Macanan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez, mula sa panulat ni Joel Mercado at sa direksyon ni Onat Diaz.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng Wansapanataym Presents Perfecto 7:00 ng gabi, pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.