Miley Cyrus

MISTULANG si Miley Cyrus “[is] trying to party away the pain” sa pakikipaghiwalay niya kay Liam Hemsworth isang taon na ang nakalilipas.

Nakuhanan ng litrato ang Wrecking Ball singer nang dumating sa Alexander Wang Fashion Week party sa New York kamakailan, topless siya at may takip lang na ice cream nipple pasties. Sinasabing layunin niyang makuha ang atensiyon ng dating nobyo, matapos sabihin ni Miley sa isang panayam sa Australian TV na nagmamahalan pa rin sila.

Gayunman, nabalewala ang effort ni Miley, dahil hindi sinasagot ng 24-anyos na Australian actor ang mga tawag at texts ng singer, ayon sa British magazine na Heat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Now Miley feels like she’s made a fool of herself, and is trying to party away the pain,” sinabi ng source sa Heat. “She’ll go for three days straight without any proper rest, and her friends can barely keep up. She’s out of control—drinking and smoking constantly.”

Naniniwala ang insider na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ng 21-anyos na wala na sa buhay niya ang bida ng The Hunger Games. Sa loob ng tatlong taon na on-and-off relationship nina Miley at Liam ay isang taon silang na-engage hanggang sa tuluyang maghiwalay noong Setyembre ng nakaraang taon.

Sa kanyang guesting kamakailan sa Australian TV show na Sunday Night, binanggit ni Miley ang tungkol sa dating fiancé.

“I love Liam and he loves me,” pag-amin niya.

Ngunit sa kabila nito, hindi sila nagkabalikan, o kahit nagbalik man lang ang komunikasyon.

“It’s like she thinks that the more outrageously she behaves, the more she thinks Liam will get in touch,” anang source. “But he just isn’t interested. It’s a heartbreaking time for Miley.” - Cover Media