Naghain ng panukala si Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian na magtatatag ng mga math and science high school sa bansa upang bigyang-pagkakataon ang mahuhusay na estudyante sa malalayong lugar na makapag-aral at matulungan sa pag-abot sa kanilang mga pangarap.

Ayon kay Gatchalian, binibigyang mandato ng House Bill 4801 ang Department of Education (DepEd) na makipag-ugnayan sa mga local government unit (LGU) para sa pagpapatayo ng kahit isang pampublikong math and science high school sa bawat lalawigan.

Aniya, sa kabila ng matinding commitment ng gobyerno na mapabuti ang edukasyon sa bansa, nananatiling kulelat ang Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa kalidad ng edukasyon.

“National performance in math has worsened, with students posting an average score of only 46.3% on the National Achievement Tests from 2011 to 2012,” ani Gatchalian. - Bert de Guzman
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!