Nag-iwan ng limang patay ang pananalasa ng bagyong “Mario” na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila; Rodriguez, Rizal, Nueva Vizcaya at Cagayan.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga naitalang patay ay kinilala na sina Althea Vaviola ng Bagong Silangan, Quezon City; Erlinda Centeno,69, ng Montalban,Rizal; Tomas Barol ng Barangay Vellaflores, Sta. Fe, Nueva Vizcaya; Mateo Javier, ng Barangay Sto.Domingo, Piat, Cagayan; at Jay-Ar Taganas, ng Barangay Apolonio, Samson, Quezon City.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Michelle Manriquez, Xyza Villanueva, kapwa residente ng Pitong Gatang, Navotas; Ashley Lopez ng San Mateo, Rizal; Edmundo Callueng ng Pardo,Tuguegarao; Suarding Calpasi ng Kayapa, Nueva Vizcaya; at Cedric Febie,18, ng Candelaria, Quezon.

Sa Cainta, Rizal, nasagip ng magkapatid na sina Tessie Mones at Anita Solano, kapwa 70-anyos, na nasa kisame na ng kanilang bahay sa Karangalan Village, Quezon City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naipit ang tinatayan 1,796 na pasahero sa mga pantalan sa Bicol Region at Visayas habang 87 kalsada at limang tulay ang hindi madaanan sa Region 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6 at 8.

Inaalerto ang mga residente sa mga naninirahan sa naturang lalawigan partikular ang mga nasa mabababa at bulubunduking lugar sa posibleng magkaroon ng flashfloods at landslides.

Dahil sa hinihilang habagat ni “Mario,” asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Central Luzon at nalalabing bahagi ng Northern Luzon.