Sa pagkakadakip kay retired major Gen. Jovito palparan, paghaharap ng kung anu-anong kaso mula sa kidnapping hanggang torture at pagkakakulong sa kanya sa Bulacan provincial Jail ay muli nating napatunayan na ang buhay ay parang gulong. Na ang gulong sa pag-ikot, minsan ay nasa ibabaw at kung minsan ay nasa ilalim. Hindi ka puwedeng laging nasa ibabaw, tiyak na napapailalim din ito sapagkat iyon ang katotohanan. para ring roller coaster na kung minsan ay nasa itaas at biglang bubulusok. Ganyan ang buhay.
Noong panahong ang buhay ni Gen. palparan ay nasa ibabaw pa, parang hindi siya tatamaan ng kidlat, parang anumang daluyong ay malalalmpasan niya. Matikas, tila walang kinatatakutan, matatag at sabi ng marami ay malupit. Hindi ba dahil sa larawan niyang ito ay binansagang siyang “Berdugo”? Pero nang madakip siya ng nBi, naging kabaligtaran ang dati niyang larawang iyan.
Nang madakip siya pagkaraan ng kung ilang taon ng pagtatago dahil sa kanyang mga kaso, ibang palparan ang nasaksihan ng mga tao sa telebisyon. ang nakita nila ay payat, tila maysakit, mahaba ang buhok, mahaba ang balbas at tila hikaing palparan. Nawala ang kanyang tikas, ang tila walang takot na pagharap kaninuman at ang kanyang tila walang kinakatakutan.
Nang ihatid siya sa Bulacan, ay halos hindi mabilang ang mga sumalubong sa kanya, mga taong galit na galit. mga taong noong araw ay halos magmakaawa sa kanya na ilabas ang kanilang dinukot at nawawalang mga kaanak. Ngunit pagmamakaawang walang kinahinatnan. Ngayon ang mga tao namang ito ang sumasalubong sa
kanya ng galit na galit. Bawat isa ay walang hinihiling kung hindi siya ay maparusahan ng parusang tulad ng naranasan ng kanilang mga kaanak.
Ngayon, inamin ni Palparan na natatakot siya sa kanyang kaligtasan. at maaring lihim ay nagsisisi siya. ngunit dumating na ang lubak sa kanyang gulong ng buhay. Kung makaiigpaw pa siya sa pagkakalubak na ito ay Diyos lamang ang nakaaalam.