blind item shades

KINUMPIRMA ng isang kaibigan naming konektado sa isang kilalang advertising company na peke at hindi mismong boses ng sikat na aktres/TV host ang ginamit ng isa TV commercials nito na kasalukuyang ipinapalabas sa iba't ibang TV networks.

Tinanong namin ang aming kaibigan sa advertising company nang may source na nagbulong sa amin na dinoktor ang boses ng aktres/TV host sa TVC halos oras-oras, araw-araw ay napapanood ng publiko sa telebisyon, hindi lang sa istasyon na may exclusive contract ang may katarayang aktres/TV host.

Ayon sa pangalawang source namin, hindi naman masyadong halata na hindi boses ng aktres/TV host ang ginamit sa naturang commercial, pero kapag pinakinggan nang maigi ay saka ka magdududa, huh!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Clue: commercial ng isang kilalang coffee ang tinutukoy ng source namin na iniendorso ng sikat na aktres pero hindi niya boses ang ginamit

Sinex films?

Ang makahula, ililibre namin ni Bossing DMB ng kape.