Ang campaign slogan ni Pnoy noong 2010 presidential elections ay “Kung walang corrupt, walang mahirap”. marami pa ring naghihirap ngayon. Kung ganoon, marami pa ring corrupt. Samakatwid, ang realidad ay “Kung may corrupt, maraming Pinoy ang naghihirap.” ilan milyon ba ang hanggang ngayon ay “nagbibilang ng poste”? ilan milyon ba ang hanggang ngayon ay nakalubog sa kumunoy ng kahirapan?

* * *

Tinatayang may 30,000 guro ang mawawalan ng trabaho kapag natuloy ang pagtatanggal sa 9 units ng araling Filipino sa kolehiyo at unibersidad. bakit aalisin ang Filipino subjects sa curriculum gayong ang wikang pambansa ang susi sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan? Sana naman mapawi na ang kaisipang rehiyonalistiko ng ibang mga kababayan natin na umaayaw sa Filipino dahil ito raw ay ibinatay lang sa Tagalog ng mga taga-luzon. Subukan nga ninyong magtungo sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at magsalita sa Filipino, tiyak magkakaintindihan kayo sa wikang ito kaysa English na dinadakila ng iba.

* * *

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Parang binuko ni Comelec Chairman Sixto brillantes si Pnoy nang ihayag niya na wala pang maituturing na premature campaigning dahil wala pa namang mga kandidato para sa 2016 elections. may mga pulitiko kasing nakikita ang Malacanang na nag-iikot sa buong bansa at may ilang naglalagay na ng commercial

ads sa TV at radyo. nosibalasi?

Kamakailan, nagbabala si Pnoy laban sa mga pulitiko na nagsasagawa ng maagang pangangampanya. Pero siya mismo ay nagsasabing ang dapat pumalit sa kanya ay susunod sa kanyang “Daang matuwid” at “Kung walang corrupt, walang mahirap”. Kasama niya si Dilg Sec. mar Roxas sa mga okasyon na sinasabi niya ito. Di ba si Roxas ang “manok” ng lP sa 2016?

* * *

Mas pabor ang mga tiyuhin ni Pnoy kay Vice President Binay. Makatutulong kaya ang bagong labas na Hybrid Electric Road Train ng DOTC sa problema ng kakulangan ng transportasyon sa metro manila. Tatakbo ba ito sa EDSa at mga lansangan na di tulad ng MRT na may sariling riles? Sa pagdalaw raw ni Pope Francis sa 2015 sa Pilipinas, ang sasakyan niya ay isang “Dyipmobile” daw. Ano kaya itsura nito?