SAPAGKAT naroon ang pangangailangang lumahok sa pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran tungo sa tuluy-tuloy na kaunlaran, nag-organisa ang Association of Tokyo Tech and Research scholars (ATTARS)-Kuramae Kai philippines, sa pakikipagtulungan ng Tokyo Institute of Technology, ng De La salle University (DLSU) Civil Engineering Department, at ng International Development Engineering Alumni Association, ng 2014 seminar Workshop on the Utilization of Waste Materials na magsisimula ngayon. ang dalawang araw na event na magtatampok ng keynote speeches, paper presentations, at plenary discussions na magsisilbing daan upang makatagpo ang iba pang may kinalaman sa waste management, ay magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa trabaho at pinakamaiinam na paraan at magbabalangkas ng mga proyekto katuwang ng mga bagong partner.

sa temang “sharing Knowledge, technology and Expertise on Waste Materials,” magtitipun-tipon sa multi-disciplinary seminar workshop ang mga technologist, engineere, scientist, field project manager, at mga kinatawan mula sa gobyerno, paaralan, at industriya upang talakayin at magbalangkas ng ng tuluy-tuloy na engineering solutions sa pangangasiwa at utilisasyon ng basura.

Tatalakayin ang mga paksa hinggil sa paggamit ng waste materials sa construction; management and utilization of construction and demolition waste; handling and use of mining, mineral, and agricultural waste, composting and biological treatment, solid waste dust, waste collection, use of scrap ceramics, use of fly ash for sustainable development, integrated waste management, and construction waste generation and management in the Philippines.

Humaharap ang ating bansa ng lumalalang problema sa basura. tone-toneladang basura ang nakokolekta araw-araw at malaki ang ginagastos ng gobyerno rito, kabilang ang waste materials na maaaring ma-recycle ang maproseso upang pakinabangang muli. sa patuluy na agapayan ng mga leader at ang pagsisikap ng mga nasa larangan ng science, engineering, at technology, marahil sa hindi kalayunang hinaharap, ang Metro Manila, kung hindi ang buong bansa, ay maaaring mag-develop ng teknolohiyang nakapagta-transform ng waste materials sa enerhiya, na kapos at mahal na kalakal.
National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital