Labis na naaalarma ang Simbahang Katoliko sa patuloy na pagdami ng kaso ng pagpapakamatay sa bansa.

Bunsod nito, nagpasya ang mga lider ng Simbahan na magkaroon ng mas aktibong papel sa pagtugon sa naturang problema sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pamilya, espesyalista, at media practitioners.

Ayon sa Simbahang Katoliko, ang suicide ay hindi lamang personal reality kundi isang community issue kaya’t dapat na magtulungan ang lahat upang matugunan ito.

“Suicide is a sensitive theme. It demands sincere pastoral responses from institutions, families and individuals. It invites everyone to engage in loving relationships and recognize that it is only through love that we can promote an authentic culture of life,” pahayag ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Giuseppe Pinto.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Inimbitaha ng Archdiocese of Manila at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na makilahok sa National Dialogue na idaraos nila hinggil sa isyu sa Setyembre 5 at 6, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Santuario de San Antonio Parish Hall.

Ang naturang seminar ay inorganisa ng Episcopal Commission on Culture ng CBCP.