Karugtong ito ng paksa natin tungkol sa mahahalagang bahagi ng tagumpay.

  • Dagdagan ang karunungan. - Hindi humihinto sa paglago ang matatagumpay na tao. Mag-solve ka ng crossword, maglaro ka ng chess o ng isang computer game o magbasa ka ng nobela o ng kahit na anong na magpapatalas ng iyong isip. Lumabas ka at kumilala ng mga bagong kaibigan, mamasyal sa mga lugar na pupukaw ng iyong interes. ang talino ay hindi namamana o kakambal na ng tao nang isilang. nililikha ang talino ng taong gustong tumalino. Binubuo ito ng mga karanasan at pagtanggap ng mga bagong karunungan. Si albert Einstein ay hindi isinilang na henyo. Siya ay henyo sapagkat masyado siyang nakababad sa isang problema. Kapag nagtatagal ka sa isang problema hanggang maresolba mo iyon, isinasalang mo ang iyong sarili sa maraming karanasan, at sa pagkakaroon mo ng karanasan lalo kang magkakaroon ng kaalaman sa problemang iyon. Kalaunan, magiging madali na para sa iyo ng maghanap ng solusyon sa anumang problema.
  • Kumilos agad. - Kapag dumating ang isang inspirasyon gaya ng isang matinding pagnanais na tuparin ang isang action plan, kumilos ka agad. Kapag dumating ang isang inspirasyon na kailangan mo nang lumipat ng ibang mapapasukang trabaho halimbawa, maghanap ka na agad sa mga website na nagpapaskil ng mga bakanteng posisyon sa anumang industriya na pupukaw sa iyong interes. Kung higit sa iyong kakayahan ang hinihingi ng posisyon na gusto mo, kumilos ka upang matapatan mo ang kanilang pangangailangan. Magbibigay ang inaasinta mong posisyon ng gana o pagnanais upang kumilos at makuha iyon. Maaabot mo lang ang isang bagay kung kikilos ka upang lumapit. Kapag lumapit ka sa iyong target, lalapit din sa iyo ang target.
  • Eleksyon

    Bilang ng mga Gen Z voters malaking porsyento nga ba sa eleksyon?

  • Ibahagi mo ang iyong kuwento sa iba. - Kapag ibinahagi mo sa iba ang isang bagay na mahalaga, natural na sa mga tao na magnais na magbahagi rin sa iyo ng isang bagay na mahalaga. Kapag ikinuwento mo sa iba ang iyong pagsisikap, ganoon din sila sa iyo. Ang pangmatagalang tagumpay ay natatamo, napapakilos, at natatagpuan sa proseso ng pagbibigay.

Tatapusin bukas.