Muling sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa Magallanes Interchange sa Makati City sa paglalatag ng fiber reinforced polymer sa 39-anyos na flyover.

Hindi tulad noong Phase 1 ng proyekto nang nakaranas ng pagsisikip ng trapiko ang mga motorista, ang Phase 2 ng repair work sa istruktura ay hindi makaaapekto sa daloy ng mga sasakyan.

“Unlike the reconstruction on the approaches of its Manila-Alabang southbound lane, there is no road closure and traffic,” sabi ni Randy Del Rosario, DPWH information officer, base sa ulat ng project inspector na si Miguel Alcantara.

“It is because the works are on top and underneath the structure,” dagdag niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinimulan ang pagkukumpuni ng interchange matapos magpalabas ng road repair clearance ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa proyekto.

Ang repair work ay isasagawa mula Lunes hanggang Biyernes, mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga subalit tuluy-tuloy ang pagkukumpuni tuwing weekend.

Inaasahang makukumpleto ang Magallanes Interchange Rehabilitation Project sa Pebrero 28, 2015.

Huling nagsagawa ng repair work sa istruktura noong dekada ’80 matapos makadiskubre ng mga bitak sa konkretong bahagi nito, guard rail at steel expansion joint. - Raymund F. Antonio