Cast ng 'May Queen'

KAKAIBANG afternoon drama ang mapapanood sa GMA Network simula ngayong araw sa ipapalabas na pinakabagong koreanovela na May Queen.

Pagkatapos ng matagumpay na rerun ng well-loved asianovela na Jewel in the Palace, ihahatid naman ang Channel 7 sa mga manonood ang isa pang de-kalibreng koreanovela series. Magkakaroon ulit ng pagkakataon ang Kapuso viewers na mapanood ang kakaibang kombinasyon ng romance at drama sa May Queen.

Tiyak na magugustuhan ng Pinoy televiewers ang May Queen dahil bukod sa makatotohanang pagganap ng buong cast, exciting din ang bawat episode ng nakakaantig na kuwento at matitinding eksenang lumilihis sa tradisyunal na melodramatic plot.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Pupukawin at bibihagin ang interes at puso ng mga manonood ng kakaibang kuwento ng May Queen tungkol sa ambisyon, paghihiganti, pagtataksil, at pagmamahal. Iikot ang kuwento sa buhay ng charming at bubble na si Delmar (Han Ji-hye), dalagang matapang na tinutupad ang mga pangarap sa buhay sa kabila ng kanyang malungkot na nakaraan upang magtagumpay sa shipbuilding industry.

Magugulo ang buhay ni Delmar nang umibig at maging magkaribal sa kanya ang magkaibigang sina Charlie (Jae Hee) at Sam (Kim Jae-won). Si Charlie ay naging childhood sweetheart ni Delmar na magiging matagumpay na prosecutor sa kabila ng kahirapang naranasan.

Mayaman at masayahing binata naman si Sam na may gusto na kay Delmar mula pa sa pagkabata. Sa kanilang muling pagkikita pagkaraan ng maraming taon, lalong lalalim ang pag-ibig ni Sam para sa kanya.

Alamin ang kanilang kasaysayan sa May Queen.