ENCHONG Dee

PAGKATAPOS ng hindi pa rin mabanggit-banggit na identity o pangalan ng kanyang kunu-kuno’y kasintahan, ipinangangalandakan naman ngayon ni Enchong Dee na may isang tagahanga raw siya na umaasang papakasalan niya, huh!

Kuwento sa amin ng isang ABS-CBN insider, may nagbigay daw kay Enchong ng mamahaling engagement ring, isang babaeng fan daw, na ipinangangalandakan naman nito ngayon.

Ayon pa sa aming source, nagkakilala raw sina Enchong at ang naturang fan sa Vienna, Austra nang nagkaroon ng show doon ang aktor kasama ang ilang kasamahan sa Star Magic.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento ni Enchong sa kanila, napakaganda raw ng Austrian girl at mukhang artistahin at kinagulat niya na nagpadala ito sa kanya ng engagement ring.

Hindi pa naman daw kasi sila nagkakakilala nang husto ng girl at ni hindi pa knows ng aktor kung ilang taong gulang na ito.

Anyway, ang engagement ring ay ipinadala raw ng fan sa pamamagitan ng sulat na may mga litaniya ng Austrian girl kung gaano kahalaga sa kanya si Enchong at mahal na mahal daw niya ang aktor.

Ayon pa sa spy namin, hindi malaman ni Enchong kung ano ang isasagot sa proposal ng naturang fan niya na nagmula pa sa Vienna, Austria.

Me ganu’n?