CRISTINE Reyes

Ni CHIT A. RAMOS

PARANG mabigat ang pinagdadaanan ni Cristine Reyes ngayon. Sa second presscon ng pelikulang The Gifted ng Viva Films at Multi Media Picture Enternational Philippines ay muli siyang nagdissappearing act right after the Q and A portion.

Nagpaka-professional naman siyang dumating sa presscon at maayos na sumagot sa mga tanong ng movie press. Balita rin na walang naging problema sa kanya si Direk Chris Martinez as far as her presence and work sa shooting is concerned. Bigay na bigay siya sa acting niya. Tulad noong nagso-shoot siya ng Trophy Wife kasama sina Derek Ramsay, Heart Evangelista, John Estrada sa direction ni Andoy Ranay na naging malaking hit sa takilya. Nakatanggap din siya ng mga papuri sa movie critics, dahil mahihirap ang kanyang eksena, lalo na noong niri-rape siya ni John Estrada.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Awang-awa ang mga nanood kay Cristine. Her acting is worth not only a nomination sa lahat ng award-giving bodies, kundi sa awards mismo. No kidding!

Iyon na nga lang, bigla nga siyang nawawala after the Q and A portion ng follow-up movie niya. Parang hindi niya kaya kapag iinterbyuhin siya nang mahabaan. Alam niyang uuriratin ng movie press kung bakit parang wala siya sa sarili, kahit physically present siya. Alam niyang bibigay siya, as in hindi niya mapipigilan ang pagiyak.

To the rescue naman agad kay Cristine ang promo team ng Viva Films na sina Pat at Moises.

“May dubbing kasi siya,” katwiran nila.

Magalang naman sila, pero, for the second time ba’y pagdadubbing pa rin ang alibi para sa “sexiest actress” ng bansa?

I’d like to make a wild guess. Mabigat talaga ang pinagdadaanan ni Cristine ngayon. There was a time na naging shoulder to cry on ang inyong lingkod sa relasyon ng nakababatang kapatid ni Ara Mina. Pero kahit kailan at kahit ano ang pinagdadaanan niya, hindi niya pinababayaan ang kanyang career. She’s so professional at so intense sa mabibigat na eksena sa pelikula. Ganoon din sa comedy. Effective ang kanyang comedy scenes.

Hindi siya nagreklamo kahit pinapangit siya nang husto sa The Gifted, to the extent na wala na talagang lalaking papansin sa kanya sa tindi ng kanyang kapangitan. She passed it with flying colors.

Hindi ganoon ang itsura ni Anne Curtis, kung ikukumpara kay Cristine. Pinataba lang nang husto si Anne, pero maganda pa rin ang mukha. Parang Arlene Muhlach na kahit mataba ay saksakan pa rin ang sex appeal.

Pero, walang narinig kay Cristine. Ang trabaho ay trabaho. Para sa kanya, alam ng producer, director at lahat ng involved sa production ang kanilang

ginagawa. She trusts them. Parehas ang treatment sa kanila ni Anne, para sa kanya.

Ang problema? Hindi pa siya nakaka-move on. Matindi ang effect sa kanya ng kanyang huling relasyon.

They were the best of friends before. They were the happiest couple on earth kapag magkasama sila. They thought they were in love. They became lovers for a while. Pero hindi nangyari ang inaasahan nilang mangyayari. And they parted as friends.

As expected, hindi na nangyari ang inaasahan nilang balik-best-of friends na relasyon nila. She lost not only a lover, but also a best friend.

Sa ganda at kaseksihang iyan ni Cristine, kulang pa rin pala para maging masaya siya. She’s trying to find her happiness in the arms of her many suitors. Ang dami-daming nag-iilusyon sa kanya, pero, wala sa mga ito ang hinahanap niya.

Here’s hoping that she’ll find the way out, the soonest possible. Ang maganda kay Cristine ngayon, she has the shoulders of her Ate Ara Mina to cry on and the arms of a loving mother.