Tiya Pusit

NANGANGAILANGAN ngayon ng tulong ang veteran comedienne na si Tiya Pusit na mag-iisang buwan nang naka-confine sa Philippine Heart Center.

Nanawagan ng dasal at donasyon ang kanyang pamilya earlier this week.

Ayon sa kapatid ni Rica Peralejo na si Paula Peralejo (dating alaga ng ABS-CBN Star Magic) ay may aortic aneurysm at kidney failure si Tiya Pusit, Myrna Villanueva sa tunay na buhay. Kinakailangan siyang sumailalim sa double bypass operation.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Mahigit isang milyon daw ang kailangang malikom ng pamilya niya para sa gagawing operasyon. Meron din daw bibilhing mahalagang aparato na ikakabit sa puso ni Tiya Pusit.

Nag-post din si Paula para sa mga nagmamahal kay Tia Pusit, aniya, “At sa mga ayaw naman pong mag-donate dahil walang ALS.org sa Pilipinas (I don’t get this argument, foreign countries help us all the time whenever we have calamities, etc. But anyway…), here’s one person you can help: TIA PUSIT.”

Sa totoo lang naman, maraming sikat na celebrities ang nakapag-donate sa ALS Association sa pamamagitan ng ALS Ice Bucket Challenge. Sana naman bigyan din naman nila ng pansin ang panawagan para sa kasamahang artista na may naiambag din naman sa ating lokal na aliwan.