TARLAC CITY— Tinangay ng mga magnanakaw ang 63 baboy sa isang farm sa Sitio Anibung, Barangay Armenia, Tarlac City nitong magkakasunod na araw.

Ayon kay PO3 Aldrin Dayag, investigator-on-case, ang mga ninakaw na baboy ay pag-aari ni Salvador Chan ng Golden Acres Farm sa Tarlac City.

Lumitaw sa inventory report ni Jovita Lagmay, 53, stay-in employee ng Golden Acres Farm, na ang 23 baboy ay tinangay sa building- 15 na inaalagaan ni Christian Gabayne, 25; habang 14 ang kinuha sa building-7 at 11 sa building-8 na nasa pangangalaga ni Den Mark Ladinlao, 19, kapwa residente ng Barangay Bulakrin, Lipa, Batangas.

Napag-alaman na walang nakatalagang sekyu sa farm, gayunpaman ay wala namang iniulat na sinirang cyclone wires sa perimeter fence.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20