Nananatili ang suporta ng magkakapatid na babaeng Aquino para kay Pangulong Benigno S. Aquino III, at tiniyak sa publiko na ginagawa ng Presidente ang lahat ng kanyang makakaya upang pamunuan ang bansa.

Lumabas sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada sa ANC television noong Lunes ng gabi at tinalakay ang iba’t ibang paksa, kabilang ang ipinagmamalaking pamana ng kanilang mga magulang at maging ang mga nagawa ng kanilang kapatid bilang pinuno ng bayan.

“Sana mapalagay ka na lang knowing that I really believe he is doing his best and what he thinks will be best for the country,” ani Ballsy, ang pinakamatandang kapatid ng Presidente, sa panayam sa kanya sa programang “Talkback” ni Tina Monzon-Palma.

Ipinahiwatig din ni Pinky na umaasa siyang patuloy na magtitiwala ang publiko na laging tama ang gagawin ng Presidente para sa bansa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“I hope the trust will be there that he is making a sound decision because he has more information than us,” aniya.

Ang mga komento ng mga kapatid ng Pangulo ay bunsod ng mga kritisismo na ibinato sa huli sa pagpapatuloy umano ng pork barrel system sa national budget, gayundin sa mga pananaw hinggil sa Charter Change at pagpapalawig ng termino.

Isang People’s Initiative na layong buwagin ang lahat ng uri ng pork barrel system ang inilunsad sa isang rally na pinangunahan ng iba’t ibang grupo sa Luneta noong Lunes. - Genalyn D. Kabiling