Si Kyrie Irving ng Cleveland Cavaliers ang magiging starting point guard para sa Team USA sa pagharap ng koponan kontra sa Slovenia ngayon sa final tuneup game bago ang FIBA World Cup.

Sinabi ni coach Mike Krzyzewski na si Irving at Derrick Rose ng Chicago Bulls ang magpapalitan bilang starting point guard sa torneo.

Uumpisahan ng Team USA ang kanilang kampanya sa World Cup sa Bilbao ngayong Sabado laban sa Finland.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We’ll see as this thing goes on,” ani Krzyzewski kamakalawa. “We might alternate ‘em. Both of them are going to play significant minutes.”

Idinagdag ni Krzyzewski na ang dalawang star point guard ay maaari ring sabay na maglaro sa torneo.

Si Rose ay naglaro lamang ng kabuuang 10 laro sa huling dalawang season dahil sa problema sa tuhod.

“I asked him today and he said, ‘I feel great,” sabi ni Krzyzewski. “He did everything. He’s full go. I think there’s a part of him that’s like: ‘Quit asking me how I feel. I’m good.’ So I’m not going to ask him anymore.”

Dumating ang koponan sa Las Palmas noong Linggo ng umaga at nag-ensayo ng dalawang oras kinabukasan.

Sa pagkakasama ng big men na sina Mason Plumlee ng Brooklyn Nets at Andre Drummond ng Detroit Pistons bilang dalawa sa tatlong huling player na idinagdag sa 12-man roster, si Krzyzewski ay mayroong flexibility upang ilagay si Anthony Davis ng New Orleans Pelican sa power forward kasama ni DeMarcus Cousins ng Sacramento Kings na maglalaro naman bilang center.

Sa halip na maglaro ng small-ball kumpara sa huli nilang dalawang major competitions, makapaglalaro na ang Team USA ng mas malaki sa torneong ito. Ito ay magbibigay sa kanila ng match up sa maaaring maging championship game laban sa Spain, na kinabibilangan nina power forward/center Marc Gasol, Pau Gasol at Serge Ibaka.

Bagamat ang mga superstar na sina Kevin Durant, Kevin Love, Blake Griffin, LaMarcus Aldridge at Russell Westbrook ay piniling mag-opt out, at si Indiana Pacers forward Paul George ay nabalian ng binti, inaasahan pa rin ang Team USA na madaling mangingibabaw sa Group C. Ito rin ay kinaaaniban ng Turkey, New Zealand, Dominican Republic at Ukraine.

“Our biggest (question mark) is how close we can become,” giit ni Krzyzewski. “That’s where the other countries have the advantage. They’ve been together for years. We’ve been together for days. But these guys will do anything to help. They really want to be here. It’s a group that wants to work.”