Mariah Carey and Nick

NAPAULAT na si Nick Cannon ang nang-iwan kay Mariah Carey, at hindi vice versa.

Mistulang hindi talaga maganda ang naging paghihiwalay ng mag-asawa, makaraang aminin ng host ng America’s Got Talent sa isang panayam noong nakaraang linggo na ilang buwan na silang magkahiwalay ng asawa.

Ayon sa mga bagong ulat, si Nick ang nang-iwan sa singer, at ngayon ay nangangamba para sa kapakanan ng tatlong taong gulang nilang kambal na sina Moroccan at Monroe, ayon sa TMZ.com.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“He believes the environment around Mariah is toxic and fears for his kids,” saad sa report ng TMZ.com, idinagdag na nais ni Nick ang hiwalay na kapaligiran para sa kanilang mga anak mula sa “chaotic” na bahay ni Mariah.

Napaulat na nangangamba si Nick sa mental health ng asawa.

Samantala, hindi naman naglalabas ng komento si Mariah, pero nag-post sa Instagram ng litrato ng kanilang kambal.

“She can’t believe [Nick] went and did that,” sinabi ng source sa E!. “Not what they had agreed on and not classy. He was not supposed to say a word. She thinks it was extremely childish, impulsive and opportunistic. For her, it was the last straw. She’s done with him now.”

Kinumpirma naman ng kinatawan ni Mariah na tanging ang mga anak na lang ang tinututukan ngayon ng singer. Bagamat hindi kinumpirma sa pahayag ang tungkol sa hiwalayan, nilinaw naman ng kampo ni Mariah kung ano ngayon ang prioridad ng singer. - Cover Media