Daniel-Matsunaga copy

HINDI nakakapagtaka kung bakit halos lahat yata sa showbiz at ordinaryong tao ay gusto at magaan ang loob sa Big Winner ng Pinoy Big Brother All In na si Daniel Matsunaga

Oo nga, balik-tanaw tayo, Bossing DMB, unang nakilala si Daniel bilang modelo at wannabe actor na naging maingay ang pangalan nang maging girlfriend niya si Heart Evangelista, na engaged na kay Senator Chiz Escudero ngayon.

Lugmok si Daniel nang maghiwalay sila ni Heart, bukod pa sa hindi rin niya alam kung saan papunta ang career niya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pero sa tuwing nakakausap namin siya, wala ni katiting kaming matandaang nagsuplado, nambara o anumang bagay na ikinairita ng press sa kanya. Napakabait na tao ni Daniel Matsunaga maski na wala siyang dugong Pinoy.

Kahit saan namin siya masalubong, nakangiti agad at babati sabay beso na ikinabibilib talaga sa kanya ng bawat taong nakakausap niya.

Hindi mo siya mapagbibintangang manggagamit ng sikat na artista o tao dahil siya mismo ang nagsasabing hindi totoo at talagang ayaw niya ng ganu’n.

Tanda mo, Bossing DMB, na-link siya kay Kris Aquino dahil naging guest co-host siya sa KrisTV nang ilang buwan, ‘tapos kiligkiligan pa that time ang Queen of All Media sa binatang taga-Brazil.

Pero tuwing tatanungin si Daniel tungkol kay Kris, parati niyang sinasabing kaibigan lang niya si ‘Ate Kris’. Yes, hindi nawawala ang paggalang niya sa lahat ng tao at heto pa, hindi nawawala sa kanya ang salitang po at opo.

Halos lahat din ng nakakatsikahan naming taga-production ay walang masasbing masama kay Daniel, kaya lahat din sila ay natuwa nang manalo siya sa PBB All In.

Nakakatawa nga kasi nu’ng ipasok siya sa PBBAI ay sinulat namin ang komento na, ‘libog lang naman si Daniel’ kasi nga wala siyang ginawa kundi magpakita ng maganda niyang katawan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Buryong na kasi ang first few episodes ng PBBAI kaya ipinasok ang binata at nagkaroon na nga ng buhay maski paano kasi ang girls sa loob ng PBB house ay kinikilig din sa kanya.

Maging ang mga babaeng nanonood ng PBB ay si Daniel ang inaabangan. At mas lalo pa kaming natuwa at bumilib kay Daniel sa maganda niyang pagtrato sa mga kasama niya sa loob ng bahay at talagang matulungin at likas ang pagiging mabait, hindi put on lang.

Hindi nakitaan ng tantrums o pagkainis o anumang bagay na puwede niyang ikasira, kaya nga ang tanong ng lahat, “marunong bang magalit si Daniel Matsunaga?” Kaya ginastusan din naman ng ABS-CBN na papuntahin ng Pilipinas ang ate at mama ni Daniel mula Brazil na hindi biro ang pamasahe at dito nakita kung paano nadurog ang puso ng Brazilian actor dahil nakita niya ang mga mahal niya sa buhay.

Sa apat na babaeng natirang kasama ni Daniel sa PBB ay tatlo ang bumotong siya ang dapat manalo nang tanungin ni Kris nang magsanib ang programang PBBAI at Aquino & Abunda Tonight. Kaya iisa lang ang ibig sabihin, well-loved si Daniel ng lahat kaya deserving siyang manalo sa PBBAI.

At heto pa, Bossing DMB, sa lahat ng nanalo sa Pinoy Big Brother ay bukod tanging si Daniel lang ang bumaba ng entablado para isa-isang batiin at kamayan ang halos lahat ng mga taong nanood sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World noong Linggo ng gabi.