AYON sa survey ng Nielsen Research nitong nakaraang Hunyo, Super Radyo DZBB 594 ang number one AM radio station sa buong Mega Manila.
Naakyat ng DZBB ang number one spot nitong second quarter ng taon sa naitalang 28.3% total week (mula Lunes hanggang Linggo) audience share. Pumapangalawa ang DZMM (27.8%), at pangatlo naman ang DWWW (22.5%).
Numero uno rin ang DZBB sa lahat ng AM station mula Lunes hanggang Biyernes sa naitala nitong 29.4% audience share na sinundan naman ng DZMM (27.5%) at DWWW (20.4%). Pinakamataas ang pakikinig sa radyo tuwing weekdays.
Sa umaga naman pinakamarami ang tagapakinig.
“DZBB is strongest where it counts – in the morning,” ayon kay RJ Seva, GMA Assistant Vice President for Radio Sales.
Ayon naman sa DZBB News Operations Manager na si Norilyn Temblor, ang number one ranking ng DZBB ay bunga ng, “Twenty-four/seven (24/7) efforts of everyone in the station to gain and keep the trust and respect of its listeners and even of its competitors. Much more has to be done to sustain the station’s long-term position.”
Nagpaabot ng pasasalamat si GMA Chairman at CEO na si Felipe L. Gozon sa mga tagapakinig ng DZBB sa buong mundo.
“DZBB’s performance further encourages us to continue our never-ending efforts at providing our countrymen excellent world-class broadcasting in radio, television and all other platforms,” aniya.
Samantala, nakasaad din sa Nielsen report ang mga programang may pinakamataas na ratings, kabilang dito ang mga programa ng DZBB na Umaga Na Balita Na na mapapakinggan mula 4:00-5:00 AM, Dobol B Balitang Balita (5:00-6:00 AM), Saksi Sa Dobol B (6:00-10:00 AM), Dobol A sa Dobol B (10:00-11:00 AM), at Easy Easy Lang (11:00 AM-12:00 NN).