Patay ang isa sa tatlong pinaghihinalaang carnapping suspect makaraang makipagbarilan umano sa awtoridad sa Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng pulisya ang napatay na carnapping suspect na nasa 30 hanggang 35 anyos, nakasuot ng black jacket, may mga tattoo sa katawan na pangalan “Bhernon” at “Matic”.

Kinilala naman ang nabiktima ng mga suspek na si Manolito Lauza, isang cable service agent , residente ng Baragay Sta Lucia, Novaliches , Quezon City.

Una rito, dakong 2:30 ng madaling araw, habang binabaybay ng motorsiklo ni Lauza ang Barangay Sta. Lucia, Novaliches, nang bigla na lamang siyang harangin ng tatlong suspek na magkaangkas sa isa pang motorsiklo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa puntong ito, tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang biktima at sapilitang inagaw ang motorsiklo nito.

Matapos makuha ng tatlong suspek ang motorsiklo ni Lauza, ilang saglit ay napadaan ang nagpapatrolyang mobile car ng Farview Police Station sa pamumuno ni Insp. Richard Agad na humingi ng saklolo ang biktima.

Agad namang hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek sakay sa motorsiklong tinangay at getaway car kung saan nagkaroon ng running gun battle sa C- 5 Road hanggang Quirino Avenue na ikinamatay ng hindi pa kilalang carnapping suspect. - Jun Fabon