Agosto 21, 1968, sinakop ng Soviet Union, sa pamamagitan ng Warsaw Pact, ang Czechslovakia, matapos ipatupad ng Communist Party sa pamumuno ni Alezander Dubcek ang mga repormang panlipunan na hatid ng Prague Spring.

Tinatayang 250,000 sundalo, sa tulong ng 5,000 tangke, ang sumakop sa bansa na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 100. Napatalsik si Dubcek at pinalitan ng Soviet symphatizer na si Gustav Husak. Ang pananakop ay nagbunga ng 23 pang taon ng mapanlupig na pamamahala hangggang sa bumagsak ang komunismo sa Czechslovakia noong 1989. Kalaunan ay sinuportahan ni Dubcek ang pagiging pangulo ng political dissident na si Vaclav Havel.

Noong 1948, bumagsak ang democratic rule sa Czechslovakia sa pagtatag ng komunistang pamamahala. Ipinakilala ang modest liberalization, ngunit sandaling namayani dahil sa pananakop.

Noong 1993, apat na taon matapos mabawi ang demokrasya, hinati ang bansa sa dalawang estado: ang Czech Republic at ang Slovak Republic.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho