Sa napaulat noong pagkamatay ng 10-anyos na babae sakit sa puso dahil tinangihan ng isang ospital sa Butuan City dahil walang maibigay ang pamilya na P30,000 libong deposito, kumilos si Sen. Nancy Binay upang ipatupad ng Department of Health ang isang programa nito. Anang senadora, tungkulin ng isang ospital na tanggapin at lapatan ng lunas ang isang pasyente at hindi inuuna ang paghahanap ng deposito upang makatiyak ng kabayaran. Sa kanyang Senate Resolution 837, tinukoy ni Sen. Nancy ang Butuan Doctors Hospital matapos na tanggihan nitong gamutin ang si Jannary Chan o “Yanna” na may congenital heart disease, diabetes at kidney problem. Namatay si Yanna noong Hulyo 16. Bunsod ng pagiging kritikal na ni Yanna, dinala siya sa Butuan Doctors Hopital dahil kumpleto ito sa pasilidad.

“Marami na pong kaso ng mga pasyente na itinataboy dahil walang pang-deposit o hindi dini-discharge hanggang hindi nababayara ang hospital bills. Ang practice po na ito ay hindi tama at may batas ho tayo rito na nagsasaad na hindi maaaring itaboy ng ospital ang mga pasyente na kritikal ang kondisyon,” ayon kay Sen. Nancy.

Malinaw na binalewala ng Butuan Doctors Hospital ang Republic Act No. 8344, Section I kung saan mababasa ang “In emergency or serious cases, it shall by unlawful for any proprietor, president, director, manager or any other officer, and/or medical practitioner of employee of a hospital or medical clinic to request, solicit, demand or accept any deposit or any other form of advance payment as a prerequisite for confinement or medical treatment of a patient in such hospital or medical clinic or to refuse to administer medical treatment and support as dictated by good practice of medicine to prevent death or permanent disability.” Gayun din sa RA 9439, Section I, na nagsasabing “It shall be unlawful for any hospital or medical clinic in the country to detain or to otherwise cause, directly or indirectly, the detention or patients xxx for reasons of nonpayment in part or in full of hospital bills or medical expenses.” ay binalewala din ng ospital.

Karapatan ng bawat Pilipino ang mabigyan ng serbisyong medikal at ito rin ang dapat na tiyakin ng gobyerno.
National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko