Ipatutupad ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez ang expanded truck ban sa Lunes, Agosto 25 upang maibsan ang siksikang trapiko sa mga pangunahing kalye habang inihahanda ang pagsasara sa Sucat Interchange na inaasahang magiging sanhi ng mas matinding trapik sa lungsod.

Ayon kay Olivarez, ipatutupad ang truck ban sa mga pangunahing lansangan katulad ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road), East at West Service Road sa South Luzon Expressway, Ninoy Aquino Avenue, Airport Road, at Quirino Avenue.

Magiging epektibo ito mula 6:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi na may window hour tuwing 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Sakop ng truck ban ang mga 10-wheeler cargo trucks, trailer trucks, transit mixers, hauling sand at iba pang heavy payloads. Exempted naman ang six-wheeler trucks.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho