Denise Laurel

BUMALIK sa pangangalaga ng Star Magic si Denise Laurel.

Matandaang umalis siya sa poder ng Star Magic at pumirma ng managerial contract kay Mr. Arnold Vegafria.

Ayon sa source namin, may hindi napagkasunduan sina Denise at ang dating manager kaya lumapit at bumalik siya sa Star Magic. Dagdag pa ng source, hinintay naman ni Denise na mag-expire ang kontrata niya sa dating manager.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kahit umalis noon sa Star Magic ay nanatiling loyal sa ABS-CBN SI Denise. Dahil may pinagsamahan at may ibubuga talaga sa pag-arte ay tinanggap uli ng Star Magic head na si Mr. Johnny Manahan ang magandang aktres.

Pumirma na rin ng exclusive network contract sa Dos si Denise, kasabay ng nag-renew rin ng kanilang kontrata na sina Xian Lim, Angelica Panganiban at Janella Salvador.

Tuwang-tuwa siyempre si Denise na Star Magic talent na uli siya. Excited siya na makatrabaho uli ang mga kasamahan niya sa Star Magic family.