SanMig's Coach Tim Cone post interview.    Photo by Tony Pionilla

Ang huling arkitekto ng PBA Grand Slam ang siyang unang personahe na muling nakagawa nito.

Labingwalong taon mula nang igiya ang Alaska sa isang sweep sa lahat ng tatlong kumperensiya noong 1996, nagbalik si Tim Cone sa Promised Land ng matagumpay sa likod ni James Yap at ng buong San Mig Coffee Super Coffee Mixers, na ginawang makasaysayan ang ika-39 season ng unang play-for-pay league ng Asia.

Ipinagpatuloy ng Mixers ang kanilang nasimulan noong 2013 nang kanilang masungkit ang season-ending na Governors’ Cup. Dahil sa beterano nitong core at ang pagkakadagdag ng dalawang maaasahang rookies na unti-unting naipasok sa rotation ni Cone, tunay na naging dominante ang San Mig sa katatapos na season at nakuha ang bibihirang Grand Slam na hindi inaasahan ng marami dahil sa pagiging balanse ng lahat ng koponan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngunit ang kredito ay dahil sa diskarte at galing ni Cone, na marami nang natamong tagumpay sa maikling panahon pa lamang nito sa prangkisa.

Ngayong gabi sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, matatanggap ni Cone ang pinakamataas na pagkilala dahil sa kanyang husay at hihirangin siya bilang Coach of the Year sa 2014 PBA Press Corps Annual Awards Night.

Ang Coach of the Year honor ay ikatlo na ni Cone – kabilang ang 1996 season – at siya ang unang nakakuha ng dalawang Grand Slam bilang isang mentor. Ang tropeo ay ipinangalan sa maalamat na si Virgilio “Baby” Dalupan, ang winningest coach sa kasaysayan ng liga bago ito nalampasan ni Cone sa All-Filipino conference noong nakaraang taon nang makopo ng 56-anyos na American ang kanyang ika-16 titulo.

Makakasama ni Cone sa event na may temang “There Are Champions… and There Are Grand Slam Champions!” si San Miguel Corp. president and chief operationg officer Ramon S. Ang na tatanggapin naman ang pagkilala bilang Executive of the Year na ipinangalan sa yumaong si Danny Floro, ang legendary owner ng two-time Grand Slam champion na Crispa Redmanizers.

Sina cage great Atoy Co at Alaska team manager Dickie Bachman, kapwa miyembro ng Grand Slam teams sa magkaibang era, ang magsisilbi bilang guests of honor na pangungunahan ang mga awardees sa pormal na pagtitipon na suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra, San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee, at Talk `N Text.

Ang iba pang awardees sa taunang event na sinimulan noong 1993 ay sina Marc Pingris bilang Defensive Player of the Year, mga kakamping sina Peter June Simon at Mark Barroca na tatanggap ng award para sa Quality Minutes at Order of Merit, ayon sa pagkakasunod.

Ang beteranong si Asi Taulava ang Comeback Player of the Year, Scoring Champion naman si Jayson Castro, habang ang All-Rookie Team ay kabibilangan nina Greg Slaughter, Ian Sangalan, Justin Melton, Terrence Romeo at Raymond Almazan.

Kikilalanin din sa event ang mga nanalo sa PBAPC Sportswriting Contest noong nakaraang taon.