NATUTUWA kami sa alaga ni Katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan dahil kasama siya bilang isa sa interpreters ng Himig Handog P-Pop Love Songs na gaganapin sa SM MOA Arena sa Setyembre 28.

Kakantahin ni Michael ang Pare, Mahal Mo Raw Ako na sinulat ni Joven Tan, ang nanalo last year sa komposisyon naman niyang Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa na kinanta ni Aiza Seguerra.

Bukod dito ay co-host na rin si Michael ni DJ Chacha sa MOR 101.9 tuwing Martes, 9:00-12:00 ng gabi, kaya masaya ang bagitong mang-aawit sa magagandang nangyayari sa singing career niya at talagang marami na kaagad siyang followers sa nabanggit na programa.

Hindi naman itinago ni Michael na bukod sa pagiging mang-aawit ay gusto rin niyang umarte sa harap ng kamera, pero ang payo naman sa kanya ni Katotong Jobert ay mag-concentrate muna siya bilang singer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Loveless as of now si Michael dahil mas priority talaga muna niya ang career niya lalo’t bata pa naman siya.

“Love can wait,” aniya.