MONROVIA (AFP)— Desperadong pinaghahanap ng Liberia ang 17 pasyente ng Ebola na tumakas matapos ang pagatake sa isang quarantine centre sa kabiserang Monrovia, at tila hindi na makayanan ng bansang pinakamatinding tinamaan sa West Africa ang outbreak.

Bigo ang mga paghahanap sa West Point slum ng mga nawawalang pasyente habang sinabi ng katabing Guinea na nagsimulang dumagsa ang mga may sakit na Liberian patawid sa hangganan, na opisyal na isinara 10 taon na ang nakalipas.

Sinalakay ng kabataang armado ng pamalo ang isang medical facility na itinayo sa isang high school sa mataong slum sa Monrovia noong Sabado, ang ilan ay sumigaw na “there’s no Ebola”, na reaksiyon sa mga tsisimis na ang epidemya ay gawa-gawa lamang ng West.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho