Iminumungkahi ni Deputy Speaker Carlos Padilla ang pagtatalaga ng isang nurse sa bawat pampublikong paaralan upang mabigyan ng pangangalaga sa kalusugan ang may 17 milyong estudyante sa buong bansa at makapagkaloob din ng trabaho sa may 221,000 walang trabahong nurses.

Sa House Resolution 1283 na inihain ni Padilla, nais niyang alamin ng House Committee on Basic Education ang posibilidad sa pagtatalaga ng isang nurse sa bawat pampublikong paaralan sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Assigning a nurse to every public school in the country will be a step towards providing accessible health care to our children and will offer opportunities for gainful employment to our nurses,” ayon kay Padilla na kumakatawan sa Lone District ng Nueva Vizcaya.

Batay sa datos mula sa Department of Labor and Employment (DoLE), ang bilang ng mga nakapasang nurse sa Nursing Board Exam mula noong 2001 hanggang 2011 ay may 421,000, tanging 200,000 nurse lamang ang may trabaho sa bansa o sa ibayong dagat.

“This therefore brings to 221,000 the number of unemployed nurses in the country,” saad ng kongresista.