Ipadadala ng Philippine Navy (PN) ang pinakamoderno nitong barko, ang BRP Ramon Alcaraz (PF16), at ang 180 sailor at Marines upang makibahagi sa multilateral exercise na “KAKADU 2014” sa Australia.
Ginawa kahapon ang send-off ceremony sa Subic Bay sa pag-alis ng Alcaraz, lulan ang mga tauhan ng PN, para makibahagi sa KAKADU 2014 sa Agosto 25-Setyembre 12 sa Northern Australia Exercise Area.
Isinasagawa kada dalawang taon, ang KAKADU ang pinakamalaking pandaigdigang maritime exercise na pinangangasiwaan ng Royal Australian Navy (RAN) at layuning isulong ang pagtutulungan ng mga hukbong katihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Makikibahagi sa KAKADU 2014 ngayong taon ang Pilipinas, Japan, New Zealand, Pakistan, Australia, Bangladesh, Cambodia, China, Thailand, Vanuatu, South Korea at India. (Elena L. Aben)