Agosto 18, 1868 nang natuklasan ni Pierre Janssan (1824-1907), isang French astronomer, ang helium sa solar spectrum habang may eclipse. Natuklasan din niya kung paano subaybayan ang solar prominence kahit walang eclipse gamit lang ang spectroscope.

Ang mga solar prominence ay ang naglalakihan at maliwanag na ionized gases na may daan-daang libong kilometro sa ibabaw ng chromospheres ng Araw, at iba-iba ang sukat, hugis at galaw.

Naging propesor ng general science si Janssan sa University of Paris, ang kanyang alma mater, noong 1865, at itinalaga bilang unang direktor ng Meudon Observatory noong 1876. Noong 1893, pinatunayan niyang ang oxygen mula sa atmosphere ng mundo ang nagbubunsod ng malilinaw na oxygen line sa solar spectrum. Inilathala rin niya ang Atlas des photographies solaires, na may 6,000 litrato na ginagamit niya sa pag-aaral sa Araw. Ipinangalan din sa kanya ang isa sa mga crater sa Buwan.
National

Amihan, shear line, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH