GENEVA/FREETOWN (Reuters) – Binatikos ng dalawang bansa sa West Africa at ng medical charity na nagpupursige laban sa pinakamatinding Ebola outbreak sa kasaysayan ang World Health Organisation (WHO) sa mabagal na pagtugon sa epidemya, sinabing kailangan ng mas matitinding hakbangin upang mailigtas ang mga naapektuhan ng sakit at ng nagbabantang matinding gutom.

Ngayong patuloy na nadadagdagan ang mahigit 1,100 nasawi sa Ebola, kinukuwestiyon kung naging maagap ba ang U.N. health agency sa pagdedeklara nito lang Agosto 8 sa ilang buwan nang outbreak bilang “public health emergency of international concern”.

Ayon sa MSF (Doctors Without Borders), ang pagkalat ng Ebola ay nagbunsod ng isang “wartime” situation sa mga bansa na pinakamatitinding naapektuhan ng outbreak, ang Sierra Leone, Liberia at Guinea. Nahaharap din ang Nigeria sa hiwalay at mas maliit na epidemya.
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros