Kung malulusutan ng Chi-Town ang San Juan, Puerto Rico sa quarterfinals ng FIBA 3x3 Chicago Masters ngayon at makarating sa finals, malaki ang posibilidad ni KG Canaleta at ng Manila West team na makaharap ang Cabinet member ni US President Barack Obama sa world championship sa Sendai, Japan sa Oktubre.

Kilala bilang “the other Duncan,” tinulungan ni Arne Duncan, ang 49- anyos at US Secretary of Education, ang Chicago Town na umabante sa quarters matapos ang mga panalo sa Philadelphia (21-13) at Toronto (20-14) sa elimination pool kahapon.

Anim na iba pang koponan ang umusad sa Round of 8, ang NY Staten vs Denver, Chicago vs Philadelphia at Saskatoon, Canada vs Louisville, kung saan ang top two matapos ang semifinals ang mapapasama sa Manila Masters finalists na Manila West at Doha, Qatar, at Beijing Masters top two Wukesong at Nagoya bilang unang anim na world qualifiers.

Nakuwalipika si Duncan, kasama sina Jitim Young, Thomas Darrow at Craig Moore, upang iprisinta ang US sa 24-country FIBA 3x3 World Championship, ang isa pang bersiyon ng FIBA 3x3 sa Moscow noong nakaraang Hunyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tumapos lamang sa ikasiyam na puwesto ang tropa ni Duncan dahil na rin sa mahigpit na iskedyul sa likuran ng eventual champion Doha, ang matangkad na squad ng Manila West–Canaleta ng Talk ‘N Text, Aldrech Ramos ng Air21 (ngayon ay NLEX), Rey Guevarra ng Meralco at Terrence Romeo ng Globalport sa New Fashion Hall ng SM Megamall noong nakaraang buwan.

Si Wukesong, mula sa China, ay sinamahan ng dalawang Americans–ang 6-foot-9, 230-lbs na si Lee Benson at 6-foot-3, 180-lbs guard na si Chris Reaves, kung saan ay tinalo nila ang Nagoya, 21-10, sa Beijing final sa kaagahan ng buwan na ito. (Tito S. Talao)